Beyond Impeachment
From the Marcoses to the Dutertes to many others before and in between them: We seem to be a country condemned, cursed to always be betrayed by self-proclaimed saviors who turn out to be plunderers—and doomed to always be denied justice.
We at Partido Sosyalista join all those who decry the killing of current efforts to impeach Vice President Sara Duterte and who lament our perennial failure to bring criminals to justice. We are one with all groups demanding that Duterte be held to account and compelled to return every centavo she stole from us, working people whose hard work generates the wealth that politicians constantly purloin.
But, at the same time, we also wish to use this moment to elaborate on our view that the struggle does not end with impeachment; there is much more that we can and should do to finally stamp out corruption and end impunity in our country.
The roots of impunity
That our highest officials are always able to steal from us and get away with it has to do not with the stars but with the kind of institutions that we have built—and, ultimately, with the kind of society in which these institutions are embedded.
To begin with, the institutions that govern the allocation and disbursement of public funds in our country have made democratic control over them all but impossible, making it easy for those in power to divert these funds to their accounts.
Second, our judiciary has become so corrupted that when public officials who plunder do get caught, they routinely get acquitted because so many rogue judges are in their pockets. Petty thieves get condemned to languish in jail for years while big-time crooks go on to become President: this is the tragedy of our justice system.
Third, our electoral system has long been rigged in favor of the rich, facilitating their ability to win office—and therefore to appoint Justices willing to do their bidding.
But all these problems are ultimately rooted in an even deeper problem: our society has been structured to ensure the continued existence of the rich—
and, thus, to ensure the continued existence of the poor.
For as long as we have a class that controls the wealth we working people produce, that class (and their agents) are always more likely to win elections, appoint pliant judges, and enforce laws that will let them get away with plunder.
The road to justice
For us to end impunity, then, much more than impeaching Duterte is required.
To begin with, we cannot move on and let the Marcoses off the hook. We must get back what the Marcoses plundered, through the establishment of a national truth and accountability commission, or through other alternative means for achieving justice that go beyond the limits of the existing legal framework. We need a re-invigorated Presidential Commission on Good Government (PCGG) or another new body altogether, able to overcome past constraints in prosecuting the Marcoses.
Beyond these steps, we need to take back control over public funds through more participatory budgeting and more democratic oversight over disbursement.
Cleansing our judiciary has long been an imperative. For this to happen, we need to defend previous reforms as well as push for even more sweeping reforms of our electoral system, through measures we outline in our Party program.
But in the end, these reforms can only be sustained if we address the root of the problem: the oligarchic rule that keeps in place an electoral system rigged in favor of the 1%, fosters corruption in the judiciary, and prevents democratic control of public funds.
To be sure, abolishing this rule will not magically lead to the disappearance of all corruption, but it is a prerequisite for removing the conditions that which facilitate it. Without social and economic democracy, impunity will always prevail.
Defeating the Duterte dynasty
Impeachment can be one of many first steps, of course, but it can only pave the way for finally ending impunity if we also address its institutional and systemic bases. To shirk from doing so is to target only one crooked family while letting others off the hook—and thus, to paradoxically help sustain the impunity we seek to end.
That the Duterte dynasty must be prevented from reclaiming power is a goal we certainly share. But for us in Partido Sosyalista, we can only achieve this not merely by resorting to constitutional remedies but by offering a better alternative and building a movement behind it—one that addresses the legitimate grievances of Duterte’s supporters and builds on their unrelenting but misdirected yearning for change.
We need to build working-class power and organization to push for concrete measures to make food, housing, and other needs affordable. We need to come together to push for wage increases and other steps that will enable more working people to achieve their dreams—to send their children to school, build a roof over their heads, and take care of their parents in their old age.
But ultimately, we need to advance a different project and offer a different vision: that of a society in which no one is deprived of respect and no one is in chains. So many others have been advanced, but for us at Partido Sosyalista, there is still no vision more promising than socialism.
TAGALOG:
Mula sa mga Marcos, hanggang sa mga Duterte, at kasama ng marami pang ibang dumating sa pagitan nila — tila isa tayong bansang isinumpa na laging pagtaksilan ng mga taong nagpapakilala sa atin bilang mga manunubos ngunit sa totoo ay mga mandarambong pala. Ang malala pa nito, palagi tayong pinagkakaitan ng hustisya.
Kasama ang Partido Sosyalista ng lahat ng mga nananawagan laban sa pilit na paglilibing ng pagpupursiging matuloy ang impeachment ni Bise Presidente Sara Duterte, at nadidismaya kami sa paulit-ulit na kabiguang malitis ang mga kriminal. Kaisa kami ng lahat ng grupong nananawagang managot si Duterte at udyukin siyang isauli ang bawat sentimong ninakaw niya mula sa bunga ng pagtatrabaho nating mga araw-araw na kumakayod.
Gayunpaman, kasabay nito, nais rin naming gamitin ang pagkakataong ito upang mas bigyang-linaw pa ang pananaw namin na ang pakikibaka natin ay hindi natatapos sa impeachment. Napakarami pa nating pwede, at nararapat, na gawin upang tuluyan nang wakasan korapsyon at siguruhin na ang lahat ng gumagawa ng krimen ay napaparusahan sa ating bansa.
Kung bakit may mga hindi napaparusahan
Walang kinalaman ang suwerte kung bakit nagagawa ng mga pinakamatataas na opisyal na paulit-ulit tayong nakawan at makalusot. Ang pangunahing sanhi nito ay ang mga uri ng institusyong itinayo natin, at higit lalo pa, ang uri ng lipunan kung saan nakapaloob ang mga institusyong ito.
Una, ginawang imposible ng mga institusyon sa bansa natin ang demokratikong pagkontrol sa paglalaan at pagluluwal ng mga pondong pampubliko. Dahil dito, nagiging madali para sa mga nasa kapangyarihan na ilipat ang daloy ng mga pondong ito patungo sa kanila.
Pangalawa, sobrang lala na ng korapsyon sa ating hudikatura na tuwing nahuhuli ang pandarambong ng mga pampublikong opisyal, madalas ay pinapakawalan rin sila sa dami ng mga tampalasang hukom na kakampi at nakikinabang rin sa kanila. Habang ang mga pobreng napipilitang magnakaw ay nahahatulan ng maraming taon sa kulungan, ang mga big time na mga magnanakaw ay kaya pa ngang maging Presidente: ganito kasagwa ang lagay ng sistemang hudisyal sa bansa natin.
Pangatlo, matagal nang may daya ang sistemang elektoral natin pabor sa mga lubos-lubos ang yaman, at nagagamit nila ito para manalo at gamitin ang posisyon nila para magtalaga ng mga hukom na susunod sa mga kaprisyo nila.
Ngunit mas malalim pang problema ang pinag-uugatan nang lahat ng mga problemang ito: ang pinaka-istruktura ng lipunan natin ay sinisigurong magpapatuloy ang pag-iral ng mga mayayamang ito, at kasabay nito’y ang patuloy na pagkakaroon ng mahihirap.
Hangga’t mayroong uri na may kontrol sa yaman na nililikha nating mga manggagawa, ang mga kasapi ng uring ito, kasama nang mga katoto nila, ang tiyak na palaging magwawagi sa mga elekson, magtatalaga ng mga sunud-sunurang mga hukom, at magpapatupad ng mga batas na bibigyang-laya silang patuloy na mandambong.
Ang daan tungo sa hustisya
Kung gayon, upang masigurong magiging tiyak ang pagpaparusa sa mga nagkakasala, higit pa sa pag-iimpeach kay Duterte ang kinakailangang gawin.
Unang-una, hindi tayo pwedeng mag-move on na at hayaan na lang ang mga Marcos. Kailangan rin natin na mabawi ang mga ninakaw nila sa pamamagitan ng pagbuo ng isang pambansang komisyon para sa katotohanan at pananagutan, o sa pamamagitan ng iba pang mga paraan para makamit ang hustisya na hihigit pa sa kakayanan ng mga kasalukuyan nang umiiral na mga balangkas-legal. Kailangan nating mabigyan ng bagong sigla ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) o kaya naman ay lumikha ng panibagong grupo na magkakaroon nang mas higit na kakayahan upang litisin ang mga Marcos.
Dagdag pa sa mga hakbang na ito, kailangan rin mabawi ng taumbayan ang kontrol ng mga pondong pampubliko sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas higit na mga paraan upang makilahok sa pagbuo ng budget, at mas demokrating paraan upang masubaybayan kung papaano ginagamit ito. Matagal na nting dapat nilinis ang hudikatura. Para maganap ito, kailangan nating ipagtanggol ang mga dati nang mga reporma at magtulak rin ng mas malawak pa nito para sa ating sistemong elektoral sa pamamagitan ng mga paraang binalangkas namin sa aming Party program.
Sa huli, kakayanin lang nating gawing tuloy-tuloy ang mga repormang ito kung huhukayin natin kung saan nakaugat ang mga problemang ito: ang paghahari-harian ng mga oligarkong nagsisikap panatilihin ang sistemang elektoral na nakahamig sa pabor ng iilan ang nagapanatili ng korapsyon sa hudikatura at pumipigil sa demokratikong pagkontrol ng mga pondong pampubliko.
Ito ang sigurado: ang abolisyon ng paghaharing ito ay hindi bigla-biglang aalisin ang korapsyon, ngunit isa ito sa mga unang hakbang para alisin ang mga kondisyon na nagbibigay-lakas dito. Kapag walang demokrasya sa mga aspetong sosyal at ekonomikal, palaging parating makakalusot ang mga nagkakasala sa taumbayan.
Ang paggapi sa Dinsatiyang Duterte
Magandang simula ng mahabang laban ang impeachment. Hindi namin itinatanggi ito, pero maaari lang ito makatulong sa pagwawakas ng kawalang-pagpaparusa kung bibigyang-solusyon rin natin ang mga base na institusyonal at sistematiko nito. Ang pag-iwas dito ay pagpili ng isang gahamang pamilya, habang hinahayaang makalaya ang iba pang kagaya rin nila, at pagpayag na tumuloy manatili ang sistemang nilalayon nating tapusin.
Ang pagpigil sa dinastiyang Duterte na makuhang muli ang ganap na kapangyarihan ay layuning sama-sama nating hangad. Ngunit para sa amin sa Partido Sosyalista, makakamit natin ito hindi lang sa pamamagitan ng paggamit ng mga remedyong galing sa konstitusyon, kundi sa paglalatag rin ng mas magagandang mga alternatiba, at pagbuo ng pagkilos sa likod nito—isang pagkilos na kikilala sa mga totoong hinaing ng mga sumusuporta sa mga Duterte, at tumutungtong sa walang-katapusan nilang paghahangad ng pagbabago: pagbabagong nagkamali sila ng pinustahan.
Kailangan nating bumuo ng lakas at organisasyon na mula sa manggawang uri upang makapagtulak ng mga konkretong solusyon na gawing mas abot-kaya sa masa ang pagkain, pabahay, at iba pang mga pangangailangan. Dapat tayong magsama-sama sa pagtataas ng sahod at iba pang mga hakbang na magbibigay ng higit pang kakayanan sa manggagawang uri na abutin ang mga pinapangarap nila—para mapag-aral ang mga anak nila, makaroon nang maayos na matuturahan, at alagaan ang kanilang mga magulang sa pagtanda nila.
Sa huli, kailangan nating magsulong ng naiibang proyekto at maghain ng ibang pananaw: isang lipunan kung saan walang sinuman ang napapagkaitan ng respeto at ng laya. Marami nang malayo ang narating, ngunit para sa amin sa Partido Sosyalisa, wala pa rin ibang hinaharap na mas mainam kaysa sosyalismo.